PULP VIII? PULP VIII!
May 24th, 2008 by buhayngisangmanunulatHaaaaayyy… Matagal-tagal din kong inabangan itong event na to… Matagal-tagal pinag-ipunan ang mahalagang ticket papunta sa "Mecca Of Rockers"… At nangyari nga na nakapunta ako sa mahalagang event na to. I mean, iba yung feeling eh, may makikilala kang magagandang chicks (Hi Trish and Melanie!) pati mga kapwa mo rakista (ewan ko mga emo kids, laking sari-sari rock na pinapakinggan ko eh, minsan Ozzy Osbourne, minsan Alice In Chains, DragonForce, Iron Maiden, ACDC, Slayer, pag minsan Lordi o di kaya Judas Priest, at walanghiya, anak ng puta pati Scorpions, Guns N’ Roses, Bon Jovi, U2, Quiet Riot, si Billy Idol, Audioslave, Daughtry, Pearl Jam at kahit ano, basta rock, wag lang emo pinapakinggan ko*wow, pwede na ko journalist or gumawa ng biography ko, pero wag na lang, masisi pa sa dami ng mura, angasan at fight scenes na tatalo sa mga action movie*, at kung talagang wala nang choice, makinig ng JPop or JRock *saludo kay Gackt at sa bandang Porno Graffitti*.), uminom ng masarap at nakaka-refresh na Red Horse beer (my favorite, peksman!), umupo sa bahagyang-tuyong damo, ineenjoy ang bawat kalabog ng drums, tugtog at iyak ng gitara, ang pag-bunggo sayo sa mosh pit, Sus-Ginoo-Santo-Pedro-Naka-Dekwatro, ang sarap ng feeling, para bang nasa paraiso ng Rock (konting pahabol, big salute sa mga Rakero Ng Muntinlupa, rock on mga pare, saka dun sa mga kasama namin nina Ross at Roger). Sumali ako sa mosh pit nung tumugtog ang isang banda, nakalimutan ko yung name, ah puta, ang sarap ng feeling sa mosh pit, yung tumataas na init, nag-bubungguang mga katawan na wari ay nalalasing sa tugtog ng rock, at ang bigayan ng peace sign sa kapwa mo rakista pag tapos na ang slaman… At big love sa mga bandang tumugtog sa PULP VIII (especially kina Bosing Jay, Bosing Jamir at Bosing Reg Rubio na hanggang ngayon ay sinasaludo ko, lupit nyo mga idol! Rock On!), sa mga bouncer naman, ang mensahe ko, "Mga kuya, easy lang, wag daanin ang lahat sa lakas nyo, kawawa naman kaming mga rakista, yung iba buto’t balat na…"… At sa mga sponsor nung event na yun, maraming maraming maraming salamat po sa inyo.